SC walang TRO sa LRT-MRT fare hike

MANILA, Philippines – Walang inilabas na temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema laban sa taas-pasahe sa LRT at MRT.

Sinabi ni Supreme Court spokesman Theodore Te na napagkasunduan ng mga mahistrado na bigyan ng 10 araw ang mga respondents na magkomento sa apat na petisyong nagpapatigil sa taas-pasaheng ipinatupad noong Enero 4.

Kabilang sa mga respondents sina Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya, LRTA Administrator Honorito Chaneco, MRT 3 Officer-in-Charge Renato San Jose, MRT Corp. at  Light Rail Manila Consortium.

Apat na petisyon ang inihain na kumukuwestiyon sa legalidad ng fare hike  matapos itong ipatupad ng DOTC ng walang anumang konsultasyon.

Dismayado naman ang grupong Bayan sa pagsasabing patuloy na kumikita ng malaki ang pamahalaan at private businesses.

Nakakalungkot anya na patuloy na papasanin ng publiko ang pahirap ng pamahalaan at hindi nabibigay ang interes ng nakararami.

Show comments