MANILA, Philippines – Nakapagtala ng mas malamig na temperatura kahapon ng umaga ang Metro Manila dulot ng hanging amihan.
Ayon kay Alvin Pura, weather forecaster ng Pag Asa, nakapagtala ng 18.5 degrees celsius na lamig na panahon kahapon sa Kalakhang Maynila.
Wika pa ni Pura, ang naramdamang malamig na panahon kahapon ang pinamaka malamig na panahon ngayong taon.
Aniya, magpapatuloy pa ang malamig na panahon sa Metro Manila hanggang sa susunod na buwan ng Pebrero dahil sa pagtunaw ng yelo mula sa China. Ang malamig na ihip ng hangin sa Pilipinas ay nagbubuhat sa may China.
Noong nagdaang sabado, January 10 ay nakapagtala rin ngmalamig na panahon sa Metro Manila na umabot sa 18.9 degrees Celsius.