^

Bansa

Pinaka-malamig na temperatura sa MM, naitala

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng mas malamig na temperatura kahapon ng umaga ang Metro Manila dulot ng ha­nging amihan.

Ayon kay Alvin Pura, weather forecaster ng Pag Asa, nakapagtala ng 18.5 degrees celsius na lamig na panahon kahapon sa Kalakhang Maynila.

Wika pa ni Pura, ang naramdamang malamig na panahon kahapon ang  pinamaka malamig na pa­nahon ngayong taon.

Aniya, magpapatuloy pa ang malamig na panahon sa Metro Manila hanggang sa susunod na buwan ng Pebrero dahil sa pagtunaw ng yelo mula sa China. Ang malamig na ihip ng hangin sa Pilipinas ay nagbubuhat sa may China.

Noong nagdaang sabado, January 10 ay nakapagtala rin ngmalamig na pa­nahon sa Metro Manila na  umabot  sa 18.9 degrees Celsius.

vuukle comment

ALVIN PURA

ANIYA

AYON

KALAKHANG MAYNILA

METRO MANILA

NAKAPAGTALA

NOONG

PAG ASA

PEBRERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with