^

Bansa

Coast Guard handa na sa Papal visit

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naglatag  na ng oil spill boom ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Manila Bay para magsilbing marker ng bahagi ng karagatan na ipinagbabawal na daanan ng anumang uri ng sasakyang pandagat sa mga araw ng pagbisita sa bansa ni Pope Francis.

Ito’y kaakibat ng ipatutupad na “no sail zone” sa lahat ng uri ng sasakyang pandagat sa loob ng isang milya mula sa break water.

Isang maritime shipping conference ang  isinagawa kahapon sa pangunguna ni Commodore Joel Garcia, District Commander ng Philippine Coast Guard NCR-Central Luzon kung saan muling ipinaalala ang “no sail zone”.

Inabisuhan din ang mga shipping company na sila ay papayagang maglayag basta’t hindi papasok sa bahagi ng Manila Bay na ipinagbabawal.

Sa mga maglalayag na sasakyang pandagat, kailangan umanong may kasama silang sea marshals.

Nagkaharap sa pulong  sina Garcia sina Defense Secretary Voltaire Gazmin, Transportation  Secretary Joseph Emilio Abaya at DILG Secretary Mar Roxas, na pawang kasama sa isinagawang occular inspection sa Quirino Grandstand at north harbor.

CENTRAL LUZON

COMMODORE JOEL GARCIA

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

DISTRICT COMMANDER

MANILA BAY

PHILIPPINE COAST GUARD

POPE FRANCIS

QUIRINO GRANDSTAND

SECRETARY JOSEPH EMILIO ABAYA

SECRETARY MAR ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with