MANILA, Philippines – Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang utos ng lower court para sa patuloy na pagkontrol ng negosyanteng si Reghis Romero ll sa pagpapatakbo ng Harbour Centre Port Terminal Inc. at sa halip ay nagpalabas ng temporary restraining order hinggil dito.
Sa 4-pahinang resolusyon ng CA Special Second Division ay pinatigil din nito ang kautusan ng Pasig Regional Trial Court na nagbibigay permiso sa service provider na One Source Port Services mula sa pagpapatakbo sa port facility.
“Considering that herein petitioners complied with this Court’s December 12, 2014 resolution and the extreme urgency of the matter involved and in order not to render nugatory and ineffectual whatever resolution/judgment may be rendered in the present petition, petitioner’s plea for a temporary restraining order is hereby granted, to be effective upon service and for a period of sixty (60) days, unless sooner lifted,” nakasaad pa sa kautusan ng korte.
Inatasan ng CA special 2nd division na binubuo nina Associate Justices Danton Bueser, Remedios Salazar-Fernando at Pedro Corrales ang One Source na itigil ang pagpapatakbo nito sa port terminal kasabay ng pag-utos sa court sheriff ng Pasig RTC branch 167 na ipatupad pa nito ang Dec. 1, 2014 injunction order ni Judge Rolando Mislang bagkus ay mas kinilala ang pagkontrol ng Reghis Romero’s HCPTI sa port facility.
Nitong Enero 5 ay pinagbawalan din ng CA ang One Source Port Services gayundin ang tauhan sa pagpasok at pagkontrol sa port facility.