^

Bansa

Lifestyle check hamon ni Brillantes sa ex-Comelec exec

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinamon kahapon ni Commission on Elections Chairman Sixto Brillantes ang natanggal na komis­yuner ng Comelec na si Gus Lagman na kapwa sila sumailalim sa lifestyle check para malaman kung sino sa kanila ang merong malalaking ari-arian.

Ginawa ni Brillantes ang hamon dahil sa pahayag ni Lagman na ang resulta mula sa precint count optical scan (PCOS) ay madaling baguhin pabor sa gustong kandidato.

Napapabalita rin na may dalawang dating mataas na opisyal ng Comelec at kasalukuyang leader ng poll watchdog na si Lagman ay may bago umanong dalawang condo units sa Bonifacio Global City sa Taguig City at bagong Toyota SUV na parehong milyones ang halaga.

Sinabihan ni Brillantes si Lagman na ipaliwanag sa mga nakaupong komisyoner at sa taumbayan ang ipinahayag nito sa media.

Hinamon din ni Brillantes si Lagman at ang grupo nitong Automated Election System Watch at Citizens for Clean and Credible Election na magpa-lifestyle check para mabatid kung sino sa kanila ang may bagong mga condominium.

“Tingnan natin ang lifestyle ng bawat isa. Imbistigahan natin kung sino ang may bagong condominiums,” sinabi ni Brillantes sa isang television interview.

Halos may limang gru­po na sumusulpot lamang tuwing may Come­lec bidding at kinakalaban si Brillantes dahil daw pinapaburan ang Smartmatic na nagsusuplay ng PCOS.

vuukle comment

AUTOMATED ELECTION SYSTEM WATCH

BONIFACIO GLOBAL CITY

BRILLANTES

CLEAN AND CREDIBLE ELECTION

COMELEC

ELECTIONS CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

GUS LAGMAN

HINAMON

LAGMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with