MANILA, Philippines – Patuloy na minomonitor ng PAGASA ang low pressure area (LPA) na namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at inaasahang papasok sa Huwebes.
Ayon kay PAGASA weather forecaster Alvin Pura, ang LPA na nasa gawing Easten Visayas at Mindanao ay malayo pa at hindi pa gaanong nakakaapekto sa anumang bahagi ng ating bansa.
Sabi nito, ang numumuong sama ng panahon ay may 50-50 tsansang maging bagyo o kaya agad na malusaw dahil sa lamig ng panahon, pero kailangang bantayan pa rin ito.
Dadag pa nito, sa sandaling maging ganap na bagyo ang LPA ay tatawagin itong“Amang” ang unang bagyo sa ating bansa ngayong taon.
Sa sandaling ang LPA ay makapasok na sa PAR magdadala ito ng pag-ulan sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao, ayon pa kay Pura.