MANILA, Philippines - Handang magbigay ng special permit ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) para sa mga passenger buses na maghahatid sundo sa inaasahang dagsa ng pasahero sa panahon ng pagbisita ni Pope Francis sa bansa mula January 15-19.
Tugon ito ni LTFRB Chairman Winston Gines sa request ni MMDA Chairman Francis Tolentino na dagdagan ang bilang ng mga bus na maghahatid sundo sa mga pasahero mula probinsiya at mula sa ibang lugar ng Metro Manila puntang Maynila na pupuntahan ng Papa.
Sinabi rin ni Gines na sa Pope visit ay sususpindihin ang ruta ng mga bus na dadaan sa NAIA na may biyaheng Tramo Parañaque sa panahon ng pagdating ng Papa at sa pag-alis nito sa ating bansa.
P250.00 per unit ang bayad anya sa bawat special permit ng mga passenger bus para sa Papal visit.