^

Bansa

Hukumang pangkalye ilalagay ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinag-aaralan na ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) na maglagay ng roadside courts o hukumang pangkalye para sa mga traffic constable na nasasangkot sa katiwalian tulad ng pangongotong.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, magtatalaga ang ahensiya ng mga abogado at paralegals sa mga kalsada para magbigay ng assistance sa mga complainant.

Limang pangunahing mga lugar ang inisyal na lalagyan ng roadside courts kabilang dito ang Commonwealth at EDSA Avenues sa Quezon City; C5 Road sa Pasig City; Quirino Ave. sa Maynila at Roxas Boulevard sa Pasay City.

Plano ng MMDA na ilagay ang sinasabing mga hukumang kalye sa darating na Pebrero at layunin nito ay para mabawasan ang hearing ng mga kasong nakabinbin sa MMDA dahilan upang tumagal ito at para aniya sa loob ng isang araw ay tapos kaagad ang pagresolba.

Sa pamamagitan aniya ng setup na ito, ang mga reklamo ng motorista ay kaagad na made­desisyunan.

Halimbawa aniya kapag inirereklamo ang isang traffic enforcer ng MMDA ng pangongotong, de­desisyunan at hahatulan kaagad ito ng roadside court ng suspension o pagkasibak.

Maaari ring ireklamo rito yung mga motoristang magbibigay ng lisensiya na may nakaipit na pera, hahatulan kaagad sila sa hukumang pangkalye.

AYON

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

METROPOLITAN MANILA DEVE

PASAY CITY

PASIG CITY

QUEZON CITY

QUIRINO AVE

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with