Basura sa traslacion ikinairita ng Ecowaste
MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pagkairita ang iba’t ibang environmentalist groups sa pangunguna ng grupong Ecowaste Coalition bunga ng basurang nagkalat sa mga daan sa isinagawang traslacion ng Itim na Nazareno.
Binigyang diin ni Aileen Lucero ng Ecowaste Coalition, nilapastangan ng mga namamata sa Nazareno ang Ecological Solid Waste Act at ang Manila Ordinance 8282 na nagbabawal sa pagkakalat ng mga basura gayundin sa paggamit ng mga plastic at styrofoam.
Gayundin ay nawasak ng mga namamanata ang mga halaman na natapakan at nahigaan ng mga deboto.
Marami rin anilang mga lumabag sa Tobacco Regulation Act dahil sa ginawang pagbebenta ng mga sigarilyo na naging ugat din ng basura sa traslacion.
Bagamat mahirap na anyang mapanagot ang mga deboto na gumawa ng mga paglabag sa naturang mga batas at patakaran ay dapat sanang unawain ng bawat isa sa mga ito ang tamang pagdidisiplina sa pagtatapon ng kanilang basura at tamang pangangalaga sa kalikasan.
Kinastigo rin ng grupo ang lokal na pamahalaan ng Maynila kung bakit hindi napaghandaan ang ganitong mangyayari oras na matapos ang pagdiriwang sa kapistahan ng itim na Nazareno.
- Latest