^

Bansa

Garin itatalaga na ni PNoy bilang DOH sec.

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

ROMBLON, Romblon, Philippines -- Gagawin nang permanenteng kalihim ng Department of Health (DOH) si acting Secretary Ja­nette Garin.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa isang media interview na pormalidad na lamang ang kailangan para maitalaga na si Garin.

Ayon sa Pangulo, wala siyang reklamo sa trabaho ni Garin at kuntento naman siya rito bilang acting secretary ng DOH matapos magbakasyon at tuluyang nagbitiw sa puwesto si dating Health Sec. Enrique Ona.

Aniya, prayoridad lamang sa kasalukuyan ang paghahanda sa pagbisita ng Santo Papa sa susunod na linggo saka nito aasikasuhin ang pagtatalaga ng DOH chief.

Unang nag-leave si Ona matapos pagbakas­yunin mismo ni PNoy para ipaliwanag ang umano’y maanomalyang pagbili sa P833 milyong halaga ng bakuna kontra pneumonia. Kinaulana’y naghain din ng resignation si Ona na tinanggap naman ng Pangulo.

Batay naman sa inis­yal na imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI), hindi masasabing maanomalya ang pagbili ng bakuna ng DOH dahil napunta naman ito sa kinauukulan.

Si Garin ay miyembro ng Liberal Party (LP) na partido rin ni Aquino.

DEPARTMENT OF HEALTH

ENRIQUE ONA

GARIN

HEALTH SEC

LIBERAL PARTY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULO

PANGULONG AQUINO

SANTO PAPA

SECRETARY JA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with