Papal visit uulanin
MANILA, Philippines - Inaasahang magiging maulan ang pagbisita sa bansa ni Pope Francis sa susunod na linggo.
Ito ayon sa PAGASA ay bunga ng isang low pressure area na nagbabantang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na linggo.
May tsansang pumasok sa PAR ang LPA sa Enero 13 o sa Enero 14 ilang araw bago dumating sa bansa si Pope Francis.
Kahapon, ang LPA ay nasa may Dagat Pasipiko.Kapag pumasok sa PAR, maaari rin itong malusaw agad at maaari rin naman na maging isang ganap na bagyo.
Kapag naging bagyo ang LPA, tatawagin itong Amang, ang kauna-unahang bagyo na papasok sa ating bansa ngayong 2015.
Inaasahan din umano ang paminsan minsang pag-uulan sa iba’t ibang panig ng bansa ngayon hanggang weekend laluna sa Metro Manila dahil sa makapal na kaulapan at amihan.
- Latest