Jobless ng QC, naibulsa ang P33 milyon sa lotto
MANILA, Philippines – Isang jobless na 24-anyos na babae ang nakapagbulsa sa P33 milyon sa nagdaang December 23 6/42 jackpot lotto draw.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) acting chair at general manager Jose Ferdinand Rojas II, nakubra na kahapon ng nag-iisang lucky winner na taga-QC ang napanalunan nito mula sa naturang ahensiya.
Ang lone winner ay sinasabing kumikita ng karampot na pera sa pamamagitan ng paglilinis ng bahay sa kanyang mga kapitbahay o minsan ay taga hatid sa school ng anak ng mga kapitbahay o taga bili ng pagkain sa palengke. P20.00 kada trabaho ang bawat bayad sa kanya ng napaglingkurang kapitbahay.
Sinasabing may limang taon nang tinatayaan ng lucky winner ang winning combination na 04-09-11-24-29-37 na buhat pa sa birthday ng mga kapatid at kamag-anak.
Sabi ng lone winner na ngayong may pera na siya ay magtatayo siya ng negosyo at magpapaaral ng mga kapatid.
- Latest