MANILA, Philippines – Umapela ang Palasyo sa dadalo sa kapistahan ng Black Nazarene na huwag magkalat ang mga ito gaya ng apela rin ng mga environmentalist groups.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, dapat makiisa ang mga deboto ng Nazareno na magkaroon ng ‘garbage free fiesta’ sa darating na Biyernes.
Aniya, dapat iwasan ng mga deboto na magtapon ng basura kung saan-saan bagkus ay tumulong sila sa paglilinis sa daraanan ng prusisyon ng Black Nazarene.
Naunang nanawagan ang Ecowaste Coalition na maging mapagmahal din sa kalikasan ang mga deboto ng Nazareno na sasama sa prusisyon sa Biyernes.