^

Bansa

PCOS nasa ‘tiptop shape’ - Smartmatic

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinapurihan kahapon ang Commission on Elections’ (Comelec) sa desis­yon nitong gamitin ang extended warranty sa precinct count optical scan (PCOS) mula sa Smartmatic, ang kumpanyang may-gawa nito.

“Lubos naming ikinagagalak ang pagpapasya ng Comelec na gamitin ang karapatan nitong igawad sa karapat-dapat at orihinal na may gawa ng PCOS machines sa pag-extend ng warranty sa paghahan­da sa mga ito para sa 2016 national and local polls,” sabi ni Cesar Flores, Smartmatic president for Asia-Pacific.

Ginarantiyahan din ni Flores na ang PCOS machines ay nasa “tiptop condition” para sa 2016 elections.

Sa kabila ng oposisyon ng mga kalabang kumpanya, siniguro ni Flores na ang Smartmatic bilang manufacturer ng PCOS machines at siyang nag-iisang source ng original spare parts, ang bukod-tanging may kakayahang ikondisyon ng tama ang mga ito para sa halalan.

Ang London-based Smartmatic ang nagsu-supply ng technologies at services sa mahigit 50 porsiyento ng lahat ng bansang gumagamit ng electronic voting machines sa kani-kanilang eleksiyon.

“Iyan ang nakapagpapatunay kung gaano kataas ang kalidad ng aming mga serbisyo at produkto at iyan din ang maaasahan sa extended warranty at refurbishment ng PCOS machines,” sabi ni Flores.

“Ikinararangal ng Smart­matic na makapaglingkod sa sambayanang Pilipino at sa Comelec,” sabi pa ni Flores.

Ang mahigit 81,000 PCOS machines na gawa ng Smartmatic at binili ng Comelec ay katulad ng modelo ng PCOS machines na ginagamit sa New York at sa Canada.

ANG LONDON

ASIA-PACIFIC

CESAR FLORES

COMELEC

GINARANTIYAHAN

MACHINES

NEW YORK

PCOS

SMARTMATIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with