MANILA, Philippines – Umapela ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na halip na maawa, ay isaalang-alang ang kaligtasan ng mga bata na nalalagay sa panganib dahil sa pamamalimos sa mga lansangan.
Ayon kay DSWD Secretary Dinky Soliman, kung seryoso ang sinuman sa pagtulong sa mga batang lansangan ay agad na makipag-ugnayan sa kanilang ahensiya o sa mga ngo’s, religious institute, lgu’s at barangay upang seryosong maipatupad ang batas para maialis ang mga bata sa mga lansangan at mapigil ang pamamalimos.
Ipinaalala rin ni Soliman na dapat sundin ang batas na nagbabawal na manlimos at magpalimos at mapigilan ang karukhaan. Aniya sa ilalim ng PD 1563, ang sinumang lalabag dito ay pagmumultahin ng P500.
Nanawagan din ang DSWD sa publiko na ipagbigay-alam sa otoridad ang makikitang mga batang namamalimos sa mga lansangan.