Pangulo nagtalaga ng bagong MRT boss

MANILA, Philippines – Mayroon nang bagong general manager ang Metro Rail Transit-3 (MRT-3) na kinumpirma na din ng Malacañang kahapon.

Pormal na itinalaga si Engr. Roman Buenafe bilang bagong MRT-3 general manager kapalit ni dating officer-in-charge Renato San Jose, na itinalagang OIC noong Setyembre 2014.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, isang mechanical engineer si Buenafe at inirekomenda ng LRTA chief kay DOTC Sec. Jun Abaya.

Ang fare increase ay ipinatupad nitong Linggo, Enero 4, ng Department of Transportation and Communications (DOTC). Kinuwestiyon na ng iba’t ibang grupo ang naturang desisyon ng DOTC sa Supreme Court (SC).

Bukod sa MRT, nagtaas din ng pasahe ang Line 1 at 2 ng Light Rail Transit (LRT).

Show comments