MANILA, Philippines – Mas mataas ang bilang ng mga biktima ng ligaw na bala sa pagsalubong sa taong 2015 kumpara noong 2014, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa panayam ni Acting PNP chief Deputy Director General Leonardo Espina sa “Umagang Kay Ganda” ng ABS-CBN ay umakyat na sa 61 ang bilang ng kaso ng stray bullets, mas mataas sa 30 noong pagsalubong ng 2014.
Ang Metro Manila ang may pinakamataas na kaso ng ligaw na bala na umabot na sa 18, habang isa ang nasawi naman sa Cordillera.
Ayon pa sa PNP ay 17 na ang nasakote dahil sa pagpapaputok ng baril noong Bagong Taon, kung saan pito ang pulis, apat ang security guard at anim ang sibilyan.
Nahaharap sa magkakaibang kaso ang mga naturang suspek.