^

Bansa

61 biktima ng ligaw na bala sa Bagong Taon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Mas mataas ang bilang ng mga biktima ng ligaw na bala sa pagsalubong sa taong 2015 kumpara noong 2014, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa panayam ni Acting PNP chief Deputy Director General Leonardo Espina sa “Umagang Kay Ganda” ng ABS-CBN ay umakyat na sa 61 ang bilang ng kaso ng stray bullets, mas mataas sa 30 noong  pagsalubong ng 2014.

Ang Metro Manila ang may pinakamataas na kaso ng ligaw na bala na umabot na sa 18, habang isa ang nasawi naman sa Cordillera.

Ayon pa sa PNP ay 17 na ang nasakote dahil sa pagpapaputok ng baril noong Bagong Taon, kung saan pito ang pulis, apat ang security guard at anim ang sibilyan.

Nahaharap sa magkakaibang kaso ang mga naturang suspek.

ANG METRO MANILA

AYON

BAGONG TAON

DEPUTY DIRECTOR GENERAL LEONARDO ESPINA

KASO

NAHAHARAP

NOONG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

UMAGANG KAY GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with