MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang inatake sa puso dahil sa sobrang ginaw ang isang 58-anyos na caretaker na nadiskubreng hindi na gumagalaw mula sa kaniyang pagkakahiga sa lapag ng hallway ng binabantayang gusali, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng tanghali.
Ang biktimang si Artemio Cisnero Jr., stay -in sa 674 Reten St., Sampaloc, ay nadiskubre lamang ng isang tenant na si Mark Nacional, fastfood crew.
Sa ulat ni PO3 Richard Limuco ng Manila Police District-Homicide Section, bumaba mula sa ikatlong palapag dakong alas 11:00 ng tanghali si Nacional ay napansin na hindi na gumagalaw ang natutulog na biktima sa ground floor ng danaan kaya ipinabatid sa iba pang tenant at awtoridad.