9 pumuga balik-selda

MANILA, Philippines - Balik-kulungan ang siyam sa 16- presong pumuga sa detention cell ng Cubao Police Station noong bisperas ng Bagong Taon. 

Ayon kay Quezon City Police District Public Information Officer chief P/Senior Insp. Maricar Taqueban, kabilang sa naarestong preso ay sina Robert Lacaba, (kasong alarm scandal); Benedict Guinto, (kasong paglabag sa city ordinance 5121); Rigor Alejandrino, (theft/shoplifting); Thomas Evan Labutong, (CO-5121); John Patrick Dionido, (kasong rape at robbery hold-up); Emerson Castro, (frustrated homicide); Miguel Glino, (CO-5121); Dennis Natividad, (CO-5121); at si Robert Valdez,(kasong robbery/akyat bahay).

Si Valdez ang pinakahu­ling nagbalik-selda matapos na sumuko kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang pinag­hahanap sina John Sicat, Wilmar Morales, Rolando Araneta, Jeremy Llena, Rene Flores, Alvin Lorensaga, at si CJ Nuque.

Sa pahayag ni P/Supt. Marlou Martinez, comman­der ng Police Station 7, mas tataas ang sistensya ng mga nabanggit na preso kung hindi agad susuko sa kanilang tanggapan.

Pakiusap ng opisyal sa mga kaanak at kaibigan ng mga nabanggit na preso na makipagtulungan sakaling alam ang kinaroroonan ng mga ito. (Ricky Tulipat)

 

Show comments