^

Bansa

Serbisyo gandahan bago LRT-MRT fare hike - solon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat na ipakita muna ng gobyerno sa publiko ang magandang serbisyo ng Manila Railways Transit (MRT) at Light Rail Transt (LRT) 1 at 2 bago magtaas ng pasahe.

Ito ang iminungkahi ni Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian sa gobyerno para suspendihin muna ang implementasyon ng taas pasahe sa MRT gayundin sa LRT 1 at 2.

Paliwanag ni Gatcha­lian, ito ang pinakamahusay na paraan ng pagsisimula ng 2015 para sa pagsisilbi ng administrasyong Aquino sa kanyang mga boss sa pagsisimula ng 2015.

Giit pa ng kongresista dapat munang ipakitang maayos ang pasilidad at serbisyo ng MRT at LRT para makumbinsi ang mga pasahero na nararapat lamang ang fare hike.

Hindi umano makatwiran na papasan ng dagdag gastos ang publiko sa serbisyong madalas namang nadidiskaril dahil sa mga nasirang pasilidad ng MRT at LRT.

 Ang taas pasahe ng MRT at LRT 1 at 2 ay uumpisahan nang ipatupad sa Enero 4 o araw ng Linggo. (Gemma Garcia)

 

vuukle comment

AQUINO

DAPAT

ENERO

GATCHA

GEMMA GARCIA

LIGHT RAIL TRANST

MANILA RAILWAYS TRANSIT

SHERWIN GATCHALIAN

VALENZUELA REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with