Int’l market ng coco sugar, P100-M -- Villar

MANILA, Philippines - Umabot na sa P100 milyon ang international market ng coconut sugar bilang isang “healthy sweetener”.

Ayon kay Senator Cynthia Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, isang ‘good news’ ang ginagawang pagsusulong ng Bureau of Agriculture and Research (BAR) at ng Philippine Coconut Autho­rity sa coco sugar na mapapakinabangan ng mga magsasaka ng niyog.

“This is good news that the government, parti­cularly BAR, and the Phi­lippine Coconut Authority (PCA), have been actively promoting coco sugar as alternative to cane sugar,” ani  Villar.

Inihayag din ni Villar na dumarami ang bilang ng coconut farmers at kanilang pamilya ang nakikinabang sa industriya ng  coco sugar.

Nakikita na rin aniya ang magandang kinabukasan para sa industriyang ito at umaasa ng mas maraming coco sugar enterprises.

Ang benepisyo sa ka­lusugan mula sa coco sugar ay isa sa pinakamalaking ‘selling point’ nito na mayroon lamang glycemic index (GI) na 35, at sucrose content na 80.

“Coconut tree lives up to its famous title as “tree of life” due to the many benefits we can get from it,” giit ni Villar.

Idinagdag ni Villa na maraming pakinabang sa niyog dahil maraming nagagawa sa iba’t ibang bahagi nito.

Sa Las Piñas City, kung saan nagsilbi siyang kongresista sa loob ng 9 na taon, sinabi ni Villar na ginagamit nila ang bunot ng niyog sa coconet enterprise. 

“Coconut husks, considered wastes in market­places, are turned into co­conet to replace cement as rip-rap.  Coconut is 80 percent cheaper than cement. We extract fiber and coco peat from the coco husks using the decorticating machine,” ani Villar.

Ang fiber ay ginagamit naman sa paggawa ng coconet na nakakapag-kontrol ng erosion sa matarik o pababang lugar. (Malou Escudero)

 

Show comments