CCTV sa boarding house, dormitory gagawing mandatory

MANILA, Philippines - Isinusulong na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong gawing mandatory ang paglalagay ng mga CCTV cameras sa lahat ng mga dormitories at boarding houses sa bansa.

Sa Senate Bill 2478 na inihain ni Senator Jose “Jinggoy” Estrada, sinabi nito na mahalaga ang paglalagay ng mga CCTVs o closed-circuit televisions (CCTV) cameras sa mga strategic areas boarding houses at dormitories para na rin sa kaligtasan na mga tenants­ na kalimitan ay mga estudyante.

“All boarding houses or dormitories shall install closed-circuit televisions (CCTV) cameras in strategic areas in their vici­nity. Such CCTV cameras are intended to prevent and address wrongdoings and crimes, and not, in any way, to intrude into the privacy of the tenants,” ani Estrada. Dapat ring itago sa loob ng isang taon ang file ng kuha ng CCTV cameras.

Layunin rin ng panukala ni Estrada na magkaroon ng batas upang tumaas ang standard ng mga paupahang dormitoryo at boarding houses sa bansa.

Karamihan umano ng mga estud­yante ay napipilitang tumira sa mga boarding houses at dormitoryo dahil mas malapit sa kanilang eskuwelahan kaya mahalagang makapag-relax din sila pagkatapos ng kanilang klase.

Naniniwala ang senador na panahon na upang magkaroon ng isang national policy at guidelines para sa operasyon at maintenance ng mga dormitories at boarding houses sa bansa.

Bagama’t may mga dormitories at boarding houses na nagpapatupad ng kanilang sariling rules para sa kapakanan ng kanilang mga tenants, mas marami rin umano ang nagpapabaya lamang. (Malou Escudero)

 

Show comments