35 patay kay 'Seniang' – NDRRMC

MANILA, Philippines – Lumobo na ang bilang ng mga nasawi sa bagyong “Seninag” sa 35 katao, ayon sa state disaster response agency ngayong Miyerkules.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council  (NDRRMC) sa kanilang situational report na mga taga Regions 7,8, 10, 11 at Caraga ang mga nasawing biktima.

Samantala, higit 127,000 katao o nasa 27,000  pamilya ang naapektuhan ng huling bagyo ngayong 2014.

Mula sa naturang bilang , higit 5,000 pamilya ang sasalubungin ang bagong taon sa evacuation centers.

Show comments