MANILA, Philippines - ‘Nilangaw’ ang ilang nagtitinda ng paputok sa lungsod ng Muntinlupa dahil bumaba ang bilang ng mga mamimili nito, na ang isa sa mga dahilan ay kukuha muna ng permit sa pulisya at bumbero bago gumamit nito sa mga itinakdang fire cracker zone area.
Ayon sa tanggapan ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, base na rin sa report ng pulisya maituturing na positibo ang resulta ng kanilang mahigpit na kampanya kontra paputok.
Sa bisa ng Ordinance No. 14-092, mahigpit na ipinagbabawal ng pamahalaang local ng Muntinlupa ang magbenta at gumamit ng paputok sa naturang lungsod.
Nakapaloob din sa naturang ordinansa, kung ang mga paputok na pinahihintulutan naman ng pamahalaang ay pwede lamang paputukin sa mga itinakdang fire cracker zone ng Muntinlupa City government.
Subalit, kailangan munang humingi ng permit sa Muntinlupa City Police at Bureau of Fire and Protection (BFP) upang ma-inspection kung ang gagamiting bang paputok ng mga ito ay pinahihintulutan ng pamahalaan at hindi magiging mapanganib sa kalusungan ng tao.
Sa rekord ngayon ng Muntinlupa City Police, wala pa namang nahuhuling lumabag sa naturang ordinansa.