Wala dapat kondisyon ang CPP sa peace talks – Palasyo

MANILA, Philippines - Iginiit ng Malacañang na wala dapat pre-condition ang Communist Party of Philippines (CPP) bago makipag-usap muli sa gobyerno para sa peace talks, ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Sinabi ni Sec. Lacierda, hindi dapat maglagay ng kondisyon ang CPP-NPA-NDF kung nais nitong muling buhayin ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at communist movement.

Kabilang sa kondisyon ng NDF ay ang pagpapalaya muna kina Benito at Wilma Tiamzon na naaresto noong Marso sa Cebu.

Ikinatwiran ni Lacierda, ang mag-asawang Tiamzon ay nahaharap sa kasong criminal at hindi dapat maging kondisyon ito ng NDF bago sila mu­ling maupo sa negotiating table.

“We have said that --- we’ve always said that when we come to talks with either party --- NDF (National Democratic Front) or MILF (Moro Islamic Liberation Front) --- there are no preconditions with the talks. This is something we have said time and time again; and also I think also in your paper where you quoted Ging Deles that: “What we want to do first?” “Let’s have a talk.” “Let’s resume the talk first and let’s make sure the talks are doable and time-bound so that we will avoid the experience of the past,” giit pa ni Lacierda.

Idinagdag pa ni Lacierda, umaasa silang magi­ging seryoso ngayon ang NDF sa pakikipag-usap muli sa gobyerno para sa peace talks.

Pero nilinaw pa ni La­cierda na wala pang opisyal na pahayag si Pangulong Aquino sa posibilidad ng panunumbalik ng peace talks sa mga rebeldeng komunista.

 

Show comments