MANILA, Philippines – Inilunsad na ng Philippine Postal Corp. (PHLPost) ang “2015 Year of the Goat” special stamp na sasalubong sa Bagong Taon.
Bagama’t ang “Year of the Goat” ay sumabay sa pagdiriwang ng Chinese New Year, una nang inilabas ng PHLPost ang stamps noon pang Nobyembre 24, 2014.
Ang dalawang disenyo ng stamps ng goat’s head ay nagkakahalaga ng P10 bawat isa habang ang buong imahe ng goat ay nagkakahalaga ng P30 each.
Ayon sa PHLPost 55,000 kopya ng bawat stamps ang na imprenta at maaari nang mabili sa post offices sa buong bansa.
Nasa 5,000 kopya naman ang limited edition special souvenir sheet.
Batay sa Chinese zodiac, ang taong 2015 ay green of wooden goat. Ang goat o sheep ay ang ikawalong hayop sa Buddha’s call. Pinaniniwalaang ang mga ipinanganak sa ilalim ng goat year ay malikhain, matalino, maaasahan at mabait.