^

Bansa

Kahit matapos ang holiday supply ng manok, baboy sapat - DA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Agriculture na mananatiling sapat ang supply ng manok at baboy kahit matapos na ang holiday season sa ating bansa.

Ang paniniyak ay gi­nawa ni Agriculture Undersecretary for Livestock Jose Reaño kung saan sinabi nito na sobra ang  supply ng manok at baboy  sa bansa kahit na tumaas ang demands nitong nagdaang Pasko at sa darating na Bagong Taon.

Sinabi pa ni Reaño na karamihan din sa mga retailers ay nagbebenta ng manok at baboy ayon sa  itinakdang pres­yo ng mga paninda lalo na sa mga palengke batay sa aniya’y ginawa nilang pag­lilibot sa mga pamilihan.

Ang halaga ng pork liempo ay P185 samantalang ang presyo ng manok ay P135 kada kilo.

Batay sa imbentaryo umaabot pa sa 17.88 milyong kilo ng manok mayroon ang bansa na mas mataas kumpara sa 12.7 milyon noong nagdaang taon kaya’t walang dahilan na maitaas ang presyo nito dahil mara­ming supply.

AGRICULTURE UNDERSECRETARY

BAGONG TAON

BATAY

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

LIVESTOCK JOSE REA

PASKO

SINABI

TINIYAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with