MANILA, Philippines — Bukas si Social Welfare Secretary Corazon "Dinky" Soliman sa imbestigasyon sa maanomalyang pagpapatupad ng conditional cash transfer (CCT).
Sinabi ni Soliman sa isang panayam sa radyo na naayos na nila ang listahan ng 134,000 kataong nakatanggap ng pondo.
Dagdag niya na nalinaw na rin nila ito sa Commission on Audit.
"Sa 134,000 names po, 92 percent nakita namin 'yung tao. Nandun sa listahan at tunay na mahirap," wika ni Soliman sa kanyang panayam sa dzMM.
Aniya handa siyang magbitiw sa pwesto kung hindi wala nang tiwala sa kanya ang Pangulo.
Ang CCT ay kilala rin sa tawag na Pantawid Pamilyang Pilipino Program.