^

Bansa

Travel advisory ng US ‘di babalewalain - AFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila ng wala namang namomonitor na banta sa seguridad, hindi ipinagsasawalang bahala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ibi­nabalang ‘lone wolf terror attack’ na ipinalabas na travel advisory ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Ayon kay AFP spokesman Col. Restituto Padilla, karapatan lamang ng Estados Unidos na bigyang proteksyon ang mamamayan nito sa Pilipinas o kahit saang bansa man ang mga ito naroroon.

Ang Estados Unidos ay nagpalabas ng travel advisory matapos na lumutang ang ulat hinggil sa posibleng pag-atake ng mga individual terror group gaya ng nangyaring hostage taking sa Australia.

Sinabi ni Padilla, wala pang namo-monitor ang AFP hinggil sa posibleng presensiya ng ilang mga indibidwal na tero­ristang grupo gaya nang tinaguriang lone-wolf te­rrorist sa bansa.

Nilinaw ni Padilla na ang babala ng US sa  pagbiyahe ng mamamayan nito sa bansa ay hindi ipinagsasawalang bahala ng AFP at laging nakabantay ang intelligence network ng pamahalaan laban sa mga ganitong uri ng pagbabanta.

Wala anya silang nakikitang mga indibidwal na puwedeng gumawa ng nasabing panggugulo kahalintulad sa naganap na pangho-hostage sa isang cafe sa Sydney, Australia kung saan dalawa sa binihag ang nasawi kabilang ang hostage taker.

Bunsod nito nagpalabas ng travel warning ang ang US Embassy para sa kanilang mga mamayan na bumibiyahe saan mang panig ng mundo na magdoble ingat sa posibleng lone-wolf terrorist attack.

ANG ESTADOS UNIDOS

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BUNSOD

ESTADOS UNIDOS

PADILLA

PILIPINAS

RESTITUTO PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with