^

Bansa

Pagdinig sa taxi-bus fare rollback ikinasa sa Enero 9

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinasa ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na dinggin sa Enero 9, 2015 ang usapin sa pagbaba ng pasahe sa mga pampasaherong bus at taxi sa bansa.

Ayon kay LTFRB board member Ronald Corpuz, malalaman sa naturang pagdinig kung sinu-sino ang mga papanig at kokontra sa fare rollback sa naturang mga pampasaherong sasakyan.

Anya, nagtakda ang LTFRB ng pagbusisi sa bawas pasahe sa bus at taxi bilang tugon ng ahensiya sa naisampang petisyon ni Neg­ros Congressman Manuel Iway na maibaba ng P1.00 ang pasahe sa ordinary bus at gawing P30.00 ang flag down rate sa taxi.

“Lahat ng stakeholders at operators ng bus at taxi ay invited sa hearing kaya dito natin malalaman kung sino ang mga panig at  mga oppositors,” pahayag ni Corpuz.

Anya, ang anumang resulta sa gagawing pagdinig ang isang pagbabatayan ng LTFRB para madesisyunan ang naturang petisyon.

Gagawin naman an­yang patas at paborable sa lahat ang ipalalabas na desisyon hinggil sa fare rollback.

ANYA

AYON

CONGRESSMAN MANUEL IWAY

CORPUZ

ENERO

GAGAWIN

IKINASA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

RONALD CORPUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with