MANILA, Philippines - Sapat ang suplay ng mga karne ng manok at baboy ngayong Pasko hanggang sa pagsapit ng Bagong Taon.
Ito ayon kay Agriculture Undersectary Jose Reano ay base sa kanilang monitoring sa sector ng manukan at babuyan sa bansa kayat walang magiging problema sa suplay ng mga karne nito na malaki ang demands sa tuwing holiday season.
Anya, ang suggested retail price (SRP) ng manok sa ngayon ay umaabot sa P135 kada kilo samantala ang karne ng baboy ay P175 hanggang P180 ang kada kilo.
Binalaan ni Reano ang mga magsasamantalang negosyante na papatawan ng kaukulang parusa kapag nagtaas ng presyo na hindi akma sa SRP.
Una nang naiulat ng National Food Authority (NFA) na sapat din ang suplay ng bigas sa bansa kayat walang dahilan para tumaas ang presyo nito sa lahat ng pamilihan at palengke.