Holiday na papatak ng Linggo iuurong sa Lunes
MANILA, Philippines – Isinusulong sa Kamara ni Quezon City Rep. Winston Castelo ang panukala na ipagdiwang sa araw ng Lunes ang mga holiday na matatapat sa araw ng Linggo.
Base sa House Bill 5235 ni Castelo ay iuurong ng Lunes ang mga holiday na nakasanayan na rin sa tuwing matatapat ng Linggo ang anumang selebrasyon.
Paliwanag ng kongresista na tuwing matatapat ng Sunday ang paggunita ay nawawalan ng saysay ang kahalagahan ng holiday dahil talagang walang pasok at pahinga ang araw na ito.
Bukod dito ay nawawalan din aniya ng kahulugan at kahalagahan ang mga espesyal na araw na natatapat ng Linggo para ma-engage ang pamilya sa mga aktibidad kaugnay sa mga mahahalagang araw.
Sakaling maisabatas, ilan sa mga holidays na ise-celebrate ng Lunes sakaling matapat ang selebrasyon nito sa Linggo ay ang Christmas, New Year, All Saints’ Day, All Souls’ Day, Eidl’ Fitr, Fall of Bataan at iba pang mga holidays sa bansa.
- Latest