^

Bansa

De Lima uupo sa Comelec?

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May ilang emple­yado ang nanghihina­yang kay Department of Justice Secretary Leila de Lima sa umano’y bagong puwestong uupuan nito sa administrasyon ni PNoy oras na magretiro si Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., dahil nababalita at lumalakas ang ugong-ugong na ang una ang iuupo bilang kapalit nang magreretirong chairman sa Pebrero 2015.

Ayon sa reliable source, mas bagay at kabisado ni Sec. de Lima ang Comelec dahil matagal itong nanilbihan bilang election lawyer sa nasabing lugar noong hindi pa siya itinatalaga sa gobyerno.

Sinasabing isang Atty. Benjamin Caguioa, Presidential Legal Adviser or counsel ang maaring pumalit sa puwesto ni de Lima sa DOJ kapag ang huli ang naging Comelec chief.

Ayon sa source, si Caguioa ay Ateneo boy at diumano’y classmate ni PNoy sa nasabing kolehiyo.

Sabi ng source, bukod kay Brillantes dalawa pang Comelec deputy commissioners ang magreretiro din sa Pebrero 2015 na sina Lucenito Tagle at Elias Yusoph.

AYON

BENJAMIN CAGUIOA

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES JR.

DEPARTMENT OF JUSTICE SECRETARY LEILA

ELIAS YUSOPH

LUCENITO TAGLE

PEBRERO

PRESIDENTIAL LEGAL ADVISER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with