Pagbibitiw ni Lacson pag-aaralan ng Palasyo

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ng Malacañang na nakapaloob sa isang comprehensive report na isinumite ni rehabilitation czar Sec. Panfilo Lacson ang irrevocable resignation nito bilang pinuno ng Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (PARR), ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr.

Sinabi ni Sec. Coloma sa media briefing, wala pang reaksyon si Pangulong Benigno Aquino III ukol sa napaulat na pagsusumite ng irrevocable resignation ni Sec. Lacson na epektibo sa Feb. 10, 2015.

Ayon kay Coloma, ang report na isinumite ni Sec. Lacson noong nakaraang linggo ay naglalaman ng kanyang comprehensive report at recommendation ukol sa ginawang rehabilitation and recovery effort sa Yolanda-hit areas.

Aniya, lahat ng stakeholders ay hihingan ng input ng palasyo sa naging rekomendasyon ni Sec. Lacson na ilagay na din sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang naging trabaho ng PARR.

Nilinaw pa ng Malacañang na wala pang impormasyon kung tinanggap na ni Pangulong Aquino ang pagbibitiw ni Sec. Lacson.

Show comments