CAAP may advisory sa kanseladong flights
MANILA, Philippines – Nagpalabas ng advisory ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dahil sa runway rehabilitation sa Daniel Z. Romualdez Airport, Tacloban City kung saan limitado sa 1,300 metro ang runway simula December 17 hanggang December 25, 2014.
Dahil sa pangyayari kanselado ang Cebu Pacific flights simula sa December 22-25, 2014 tulad nang - 5J 651 / 652 Manila – Tacloban – Manila; 5J 653 / 654 Manila – Tacloban – Manila; 5J 657 / 658 Manila – Tacloban – Manila; 5J 659 / 660 Manila – Tacloban – Manila; 5J 428 / 429 Cebu – Tacloban – Cebu.
Ayon sa CEB, nagdagdag sila nang mga flights para sa mga nabalam na pasahero at maaari nilang i-accommodate sa ibang petsa.
Sa mga naapektuhang pasahero maaring tumawag sa (632)7020888 o +(6332)2308888.
- Latest