^

Bansa

Preso sa Mandaluyong jail may pag-asang makalaya

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May pag-asang makalaya ang ilang preso sa Mandaluyong City Jail dahil sa nakatakdang pagbisita ng ilang team mula sa Public Attorney’s Office (PAO) na tutulong sa mga preso na walang nag-aasikasong abugado.

Bukas (Disyembre 22, 2014) alas 8:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon ay isasagawa ang Legal, Medical, Dental, Optical Jail Visitation at Decongestion Program.

Regular ang aktibidad na ito ng PAO na pinasimulan noong Abril 2007.

Kabilang sa aalamin ng PAO ang mga nakapiit pa rin na preso gayung ang sentensiya na maa­ring kaharapin ay lagpas na sa ipinanatili nila sa kulungan at ang mga walang kaanak o kaibigan na tumutulong para sa pagproseso ng kaso.

Kasama ni PAO chief, Attorney Persida V. Rueda-Acosta ang 27 abugado at staff mula sa PAO-Central Office at Marikina City District Office  para magkaloob ng legal counseling at medical/dental check-up sa mga bilanggo.

Maliban pa sa PAO team, katulong din sa nasabing medical mission sina Dr. Ruperto C. Sombilon, Jr. at Dr. Evelyn Ignacio ng National Bureau of Investigation (NBI); Dr. Ludivino J. Lagat at Dr. Ravell Ronald R. Balu­yot ng Commission on Human Rights (CHR); Dr. Anastacio Rosete, Jr. ng local government ng Quezon City at Atty. Erwin P. Erfe, M.D. ng PAO Forensic Laboratory.

ATTORNEY PERSIDA V

CENTRAL OFFICE

DECONGESTION PROGRAM

DR. ANASTACIO ROSETE

DR. EVELYN IGNACIO

DR. LUDIVINO J

DR. RAVELL RONALD R

DR. RUPERTO C

ERWIN P

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with