MANILA, Philippines – Tatangkain ni Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito na imbitahan si Sarangani Rep. Manny Pacquiao upang personal naman nitong tanggapin ang mga komendasyon na ibinibigay sa kanya ng mga senador tuwing mananalo ng laban sa boksing.
Napakaraming komendasyon na ang ibinibigay ng Senado kay Pacquiao pero kahit isang beses ay hindi pa ito nagtungo sa Mataas na Kalupungan ng Kongreso upang tanggapin ang parangal sa kanya.
Ayon kay Ejercito, personal niyang kakausapin ang Pambansang Kamao kung papayag ito kahit minsan.
Aminado naman si Ejercito na posibleng ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi personal na tinatanggap ni Pacquiao ang komendasyon ng mga senador ay dahil magkasabay ang sesyon ng Senado at House of Representatives.
Tuwing mananalo ng laban si Pacquiao, palagi may mga senador na naghahain ng resolusyon upang batiin siya at parangalan.
Kalimitan ng nagtutungo sa Senado ang mga personalidad na pinaparangalan ng mga senador kabilang na ang mga nananalo sa iba’t ibang beauty contests.
Ngayon lamang 16th Congress ay nasa 13 resolusyon na ang naihain ng mga senador na nagbibigay ng komendasyon kay Pacquiao.
Isa si Pacquiao sa mga napapaulat na tatakbong senador sa 2016.