MANILA, Philippines - Tuluyan nang nagbitiw bilang kalihim ng Department of Health (DOH) si Enrique Ona.
Kinumpirma kahapon ni Executive Secretary Paquito Ochoa na tinanggap na ni Pangulong Aquino ang resignation ni Ona.
Magugunita na nagbakasyon muna si Ona noong Oct. 27 hanggang Nov. 28 upang maihanda ang mga dokumentong hinihingi ni Pangulong Aquino kaugnay ng kontrobersiyal na pagbili ng PCV 10 gayung ang rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) ay PCV 13 para sa vaccination program.
Itinalaga si Usec. Janette Garin bilang acting secretary ng DOH.
Nang matapos ang 1 buwang bakasyon ni Ona ay pinalawig pa ito ng Malacañang dahil may pinaiimbestigahan pa ang Pangulo sa ibang isyu sa DOH sa ilalim ng pamumuno ni Ona.
Una nang idinahilan ni Ona sa kanyang leave ang “personal and health reasons”.