Kapatid ni Laude gustong iuntog sa pader si Pemberton
MANILA, Philippines – Sa unang pagkakataon ay nakita ng kapatid ng pinsalang na Filipino transgender na si Jeffrey Laude ang suspek na si US Marine Joseph Scott Pemberton ngayong Biyernes sa pagbabasa ng sakdal sa Olongapo City Hall of Justice.
"Mixed emotions, natatakot, nagagalit, kung pwedeng lapitan ko siya, tanungin. Kung pwede iuntog ko siya sa pader kaya lang hindi ko naman pwedeng gawin kasi napakadaming NCIS na naka-body sa kanya," pahayag ni Marilou Laude.
Matindi ang seguridad kay Pemberton na pinalibutan ng mga sundalo at pulis nang dumating ito sa korte kaninang umaga.
Sinabi pa ni ng kapatid ng biktima na nakuhaan niya ng larawan ang suspek sa loob ng korte ngunit kinumpiska ang kanyang telepono.
"At least nakita ko na siya na personal na andito pa siya... Isa lang ang gusto kong sabihin sa kanya bakit niya nagawang patayin yung kapatid ko samantalang yung mukha niya napaka-inosente," ani Marilou.
Samantala, para sa abogado ng pamilyang Laude ay isa nang tagumpay na maituturing ang pagdalo ni Pemberton sa pagdinig ng kaso.
"Ngayon po ay 'victory number two' pero yung mas malaking isyu ngayon ang kustodiya, dahil ang kustodiya po ay hurisdiksyon, at ang hurisdiksyon ay soberanya," wika ni Harry Roque.
- Latest