Roxas pinayuhang magpaka-totoo

MANILA, Philippines – Pinayuhan ni House Majority leader Neptali Gonzales si DILG Sec. Mar Roxas na huwag nang pilitin magpaka masa dahil sa paghaha­ngad nitong makuha ang suporta ng publiko.

Ayon kay Rep. Gonzales, lahat ng maka masa na ginagawa ni Roxas tulad ng pagta trapik, pagbuhat ng sako at pagpapadyak ay kinukulayan at tinatawag na trying hard.

Hindi naman umano kasalanan ni Roxas na ipa­nganak itong mayaman.

Dahil dito pinayuhan ang sinasabing LP presidentiable na ipakita na lamang nito na kahit mayaman siya at kaya pa rin nitong  abutin ang taumbayan at isakatuparan ang pangarap ng mga ito.

Ang payo ni Gonzales ay dahil sa palagi umanong lumalabas na kulelat sa survey si Roxas.

Show comments