MANILA, Philippines – Upang mapanatili ang katahimikan ngayong holiday season, pinaigting ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paghahanda sa seguridad sa lahat ng sulok ng bansa, partikular sa Metro Manila ngayong nalalapit na Pasko at Bagong Taon.
Sinabi ni AFP spokesman Col. Resty Padilla, dapat laging handa ang kasundaluhan na tumulong sa pulisya sakaling humingi ng tulong ang NCR command, lalo na sa Manila, gayundin sa probinsya.
Paiigtingin ang seguridad sa mga terminal ng bus, jeepney o anumang sakayang pampubliko.
Magtatalaga rin ang AFP ng mga plain clothes personnel sa loob ng mga bus na maaring tumulong sa mga pasahero. Habang sa mga liblib na lugar naman tutulong ang kasundaluhan sa mga checkpoint.