MANILA, Philippines – Muling nagbawas ng presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Epektibo alas-12:01 Linggo ng madaling araw ang rollback ng Shell, Petron, Seaoil, Caltex, at Eastern Petroleum.
P1.75 ang ibabawas sa kada litro ng gasolina habang P1.55 naman sa kada litro ng diesel mula sa Shell, Petron, Seaoil at Caltex.
P1.80 naman ang ibabawas sa kerosene.
Samantala, P1.90 ang ikakaltas ng Eastern Petroleum sa gasolina habang P1.60 naman sa diesel.
Alas-6:00 ng umaga naman epektibo ang rollback sa Unioil at Phoenix Petroleum.
P1.50 tapyas-presyo sa kada litro ng diesel ng Unioil habang P1.80 ang mababawas sa kada litro ng gasolina.
May rollback naman sa Phoenix Petroleum ng P1.55 sa diesel habang P1.75 ang kaltas sa gasolina.
Ang rollback ay bunsod umano nang paggalaw ng presyo nito sa World Market.
Nabatid na ito na ang pang-anim na beses na rollback. Huling nagpatupad ng bawas-presyo sa produktong petrolyo noong Disyembre 7.