Ex-Marinduque solon umapela sa Ombudsman
MANILA, Philippines - Umapela si dating Marinduque Cong. Edmundo Reyes Jr. kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales na bigyan siya ng pagkakataon para makontra ang kasong isinampa laban sa kanya kaugnay ng P728 Million Fertilizer Fund Scam.
Sa dalawang pahinang liham ni Reyes kay Morales, hiniling rin nito na i-hold muna pansamantala ng anti-graft body ang resolusyon na nagsasampa ng impormasyon laban sa kanya hanggang sa mapag-aralan ang lahat ng mga ebidensya kasama ang kanyang depensa.
Hiniling rin nito na mabigyan sya ng kopya ng complaint affidavit laban sa kanya kasama ang mga dokumentong may kaugnayan sa reklamo.
Ayon kay Reyes, nalaman lamang niya sa website ng Ombudsman na kasama siya sa kakasuhan dahil sa naka-post sa website nito kaya labis ang kanyang pagkagulat.
Binigyang diin nito ang kanyang right to due process at karapatan na mabigyan ng preliminary investigation.
Si Reyes at iba pa ay kasama sa kinasuhan ng paglabag sa anti-graft and corrupt practices act at malversation.
Noong 2004, ang Marinduque ay kasama umano sa benificiary program na binigyan ng pondo para sa Farm Inputs and Farm Implements Program.
- Latest