^

Bansa

Mga pupuntahan ni Pope Francis ininspeksiyon ng CBCP, DPWH

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinimulan nang inspeksiyunin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police (PNP) ang Quirino grandstand at iba pang lugar na pupuntahan ni Pope Francis sa Enero 2015 bilang bahagi ng paghahanda sa pagdating ng Santo Papa.

Pangunahing pagtutuunan ng pansin ng grupo ang seguridad lalo pa’t napag-alamang hindi sumusunod sa protocol si Pope Francis kung saan bigla na lang itong buma­baba para makihalubilo sa mga tao sa kalagitnaan ng kanyang motorcade.

Nais naman ng CBCP na gawing simple lang ang okasyon dahil katatapos lang ng mga kalamidad sa bansa.

Samantala, inihahan­da na rin ng DPWH ang mga concrete barrier na ilalatag sa Luneta alinsunod sa kahilingan ng Vatican na kailangang may dadaanan pa rin ang Santo Papa para makalapit sa mga tao.

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

ENERO

LUNETA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PANGUNAHING

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POPE FRANCIS

QUIRINO

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with