MANILA, Philippines – Umakyat na sa 18 katao ang iniwang patay ng bagyong “Ruby,” ayon sa state disaster response agency ngayong Huwebes.
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na karamihan ay nasawi dahil sa pagkalunod, kabilang ang apat na bata.
Lumobo rin ang bilang ng mga sugatan sa 916, dagdag ng NDRRMC.
Umabot sa 2.7 katao o higit 200,000 pamilya ang naapektuhan ng bagyo na pawang mga taga Eastern Visayas.
Tinatayang nasa P1.27 bilyon ang pinsala ng bagyo sa impastraktura, habang P1.9 bilyon naman sa agrikultura.
Kagabi tuluyang lumabas ng Philippine Area of Responsibility si Ruby.