^

Bansa

Makati New Year countdown suspendido

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

Pondo itutulong sa biktima ni Ruby

MANILA, Philippines - Kinansela ng pamahalaang-lunsod ng Makati ang New Year’s Eve Countdown Party nito sa Ayala at sa halip, ang P30 milyong budget para sa ganitong aktibidad ay gagamitin na lang sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Ruby.

Ito ang nabatid kay Makati Mayor Jejomar Erwin S. Binay na humi­ling din sa City Council na pagtibayin ang ordinansang nagpapahintulot sa pamahalaang lunsod na magkaloob ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.

Mula noong 2004 ay idinadaos ng pamahalaang lunsod ang natu­rang countdown na naging malaking pang-akit ng Makati sa mga turista kasama ng magagandang fireworks at libreng konsiyerto ng magagaling na banda sa Ayala Avenue.

“Sana ay maunawaan ng mga residente at bisita sa Makati lalo na ng mga nag-aabang sa countdown at suportahan ang aming desisyon na huwag muna itong idaos sa taong ito. Marami nating kababa­yang Pilipino ang nagdurusa at kailangan nila ng tulong na maibibi­gay natin,” sabi pa ni Binay.

Ayon sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), maraming bahagi ng Western at Eastern Visayas, Bicol, and Southern Luzon ang pininsala ng bagyong Ruby.

Kabilang sa lubhang sinalanta ang mga bayan ng Dolores at Borongan sa Eastern Samar. Tinatayang 456,386 families o 2,086,562 tao ang naapektuhan ng bagyo.

Noong nakaraang taon, kinansela rin ang Countdown bilang pakikisimpatya sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Inaprubahan ng Makati City Council ang P50 milyong alokasyon bilang relief assistance sa iba’t-ibang pamahalaang lokal na winasak ng bagyong Yolanda.

AYALA AVENUE

BINAY

CITY COUNCIL

EASTERN SAMAR

EASTERN VISAYAS

EVE COUNTDOWN PARTY

MAKATI

MAKATI CITY COUNCIL

MAKATI MAYOR JEJOMAR ERWIN S

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with