MANILA, Philippines – Bumaba ang unemployment rate sa bansa ng 6 na porsiyento nitong Oktubre, mas mataas mula sa 6.4 porsiyento na iniangat nitong nakaraang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Miyerkules.
Umakyat sa 64.3 porsiyento ang Labor Force Participation Rate mula sa 63.9 porsiyento nitong 2013, kung saan halos isang milyong trabaho ang nagbukas para sa mga Pilipino.
Sa bilang ng mga walang trabaho, 65.2 porsiyento dito ay pawang mga lalaki, habang 49.4 porsiyento ang mga nasa edad 15-24 at 30.2 porsiyento naman ang nasa edad 25-34.
Nakasaad din sa ulat na 21.6 porsiyento ng mga unemployed ay pawang mga nakatapos ng kolehiyo, habang 13.5 ang college undergraduates at 33.3 porsiyento ang hanggang high school lamang ang natapos.