^

Bansa

Mataas na opisyal ng DepEd, kinasuhan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinasuhan ng tanggapan ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang isang mataas na opisyal ng Department of Education (DepEd) ng  paglabag sa  Section 3(e)  ng Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at 15 counts ng paglabag sa Section 52 ng Republic Act No. 8291 (GSIS Act of 1997) dahil sa pagkabigo nitong iremit sa takdang panahon ang GSIS premiums ng mga guro at empleyado ng DepEd-Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).

Ito ay makaraang pagtibayin ni  Ombudsman Conchita Carpio Morales ang naturang mga kaso matapos makakita ng probable cause laban kay  Leovigilda Cinches, dating Officer-in-Charge Regional Secretary ng  DepEd-ARMM.

Sa rekord, mula October 2001 hanggang November 2004, ang  DepEd-ARMM ay bigong mairemit sa tamang oras ang  GSIS premiums/contributions na may halagang P232.9 milyon na nagresulta ng pagkasuspinde sa loan privileges ng mga tauhan nito at di nakatanggap ng iba pang benepisyo.

Bukod sa naturang kaso, guilty din umano si Cinches sa kasong Grave Misconduct kaya’t tuluyan na itong nadismis sa serbisyo bilang parusa sa nagawang kasalanan at hindi na maaari pang pumasok sa alinmang ahensiya ng pamahalaan.

vuukle comment

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

AUTONOMOUS REGION OF MUSLIM MINDANAO

BUKOD

DEPARTMENT OF EDUCATION

GRAVE MISCONDUCT

LEOVIGILDA CINCHES

OFFICER-IN-CHARGE REGIONAL SECRETARY

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO MORALES

REPUBLIC ACT NO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with